March 4, 2009

Sayang!

Guys, I didn't win. Yeah I know, disappointed din kayo!Wow!Hehehe. Pero sa totoo lang, if you're asking me if I'm disappointed, TOTALLY! I'm not just disappointed, I'm also bitter. Actually, I WAS bitter. Wala na eh. Hehehe. Kaya hindi agad ako nag-post kagabi, mejo aning pako eh. Hindi na nga rin ako nakagawa nung report namin sa Ethics eh. Hahaha.

Sa totoo lang, super hindi ko alam kung pano ko mag-rereact after ko makita yung results. Aaminin ko, somehow, nag-expect ako. Alam ko kasi na may laban ako, I know that I did and gave all my best sa campaigns palang and all. Alam ko din na mas willing ako dun sa position na yun. But I'm not saying na yung "kalaban" ko ay hindi willing, it's just that, mas willing ako, sa tingin ko. Actually super na-depressed ako kagabi, that's why pagdating ko sa boarding house, super nahiga na lang ako at nakipag-text sa mga nag-condolence sakin. Taena namatayan?!

Joeward Manaig - 44.77%

Farrah Tindugan - 51.046%

Abstain - 4.184%

They're all saying na, buti nga hindi ka nilampaso ni Farrah eh. Oo nga, hindi nya ko nilampaso, talo pa rin naman ako. Grabe talaga yung impact sa akin nung pagkatalo ko. Kasi naman, last year, ganito din yung nangyari, almost 7% lang din yung lamang sa akin. Anyway, si Farrah yun eh, naging ESC Secretary, 1st runner up ng Mr. and Ms. ChES, nag-hohost sa mga events ng Eng'g, ano nga naman ang laban ko sa kanya diba?Pero hello! Aminin nyo, mejo marami ring bomoto sa akin. Hehehe.

Sayang din si Allan,kasi naman, kahit si Allan man lang yung manalo OK lang. Pero if ever manalo ko, gusto ko si Allan din panalo. Eh pareho kaming hindi nakapasok so un as a person and as an individual.Hahaha.

Pero alam nyo, ganun pa man yung nangyari, super natutuwa ako sa mga classmates and friends ko. Super na-disappoint din sila sa nangyari. Andami din nag-text sa akin na OK lang dw yun as a person. Yung brighter side nung nangyari, super nalaman ko kung sino talaga yung mga nagca-care and nagtitiwala sa akin. Nakakatuwa na nakakalungkot at the same time kasi sayang, natalo ko. Hehehe.

Siguro talagang hindi ako meant sa political affairs. Grabe, 2nd time ko na natalo eh!Kamusta naman diba?!Hahaha. Pero kung tatanungin nyo ko kung OK na ko?Hindi pa rin, hindi pa masyado. Super gusto ko kasi talaga yung position na yun eh. HEhehe, Pero konti na lang Ok nako. Hehehe.

Sa lahat nang sumuporta sa akin especially sa buong 4th year, though hindi naman lahat eh bumoto sa akin, thanks guys ah! Sa 4A, super thank you guys! Sobrang alam ko kung gaano nyo ko sinuportahan. I love you all. Sa buong ChES community, maraming maraming salamat sa inyong lahat! It was a good fight after all. Pero sayang talaga eh, mas masaya pa rin kung nanalo ko. Ay. Hahahah. Sa mga winners, CONGRATULATIONS! I know you're all deserving. Hehehe.

Sa mga taong super sumuporta sa akin, alam nyo na kung sinu-sino kayong lahat! Super salamat! :]

1 comment:

Wilberchie said...

Gusto ko sa A!!! WAAAAAH!